Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa apat na suspek ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu.
Ang operasyon ay ikinasa sa bahagi ng Barangay Kaypian.
Ayon sa PDEA, natunton ang apat base sa impormasyon na ipinagkaloob sa kanila ng mga impormante.
Tatlo sa naaresto ay pawang walang trabaho habang ang isa ay construction worker.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES