Ayon sa DOT, kabuuang 6,800,052 turista ang bumisita sa bansa mas mataas ng 15.04 percent sa 5,911,161 sa kaparehong panahon noong 2018.
Sa unang sampung buwan, South Korea ang top source ng mga turista na may 1,609,172 at inaasahang lolobo pa ito dahil sa paglagda ng Maynila at Seoul sa isang tourism cooperation program.
Pangalawa naman ang China na may 1,499,524, ikatlo ang USA na may 872,335, ikaapat ang Japan na may 569,625 at panglima ang Taiwan na may 282,220.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat, ang paglobo ng tourist arrivals ay bunsod ng mas maayos na air connectivity, pinalawak na marketing promotions, pagpapalalim ng ugnayan sa ibang bansa at pagkilala sa tourism advocacies ng gobyerno.