M3.2 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental alas-3:02 Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 134 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na 60 kilometro at tectonic ang dahilan.

Dahil may kalayuan sa lupa, hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...