Gold medals ng Pilipinas sa 2019 Sea Games umabot na sa 137

2019 SEA Games FB page

Pumalo na sa 347 ang kabuuang bilang ng medalya ng Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Hanggang alas-11:00 ng gabi, ang nakuha ng bansa sa regional meet ay 137 gold, 102 silver at 106 bronze medals.

Pinakahuling nanalo para sa Pilipinas araw ng Lunes ay ang Team Sibol matapos makuha ang gold medal sa eSports na Dota2 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Naging madugo ang labanan ng Pilipinas at Thailand sa iskor na 3-2.

Ito na ang kalawang gintong medalya ng bansa mula sa eSports tournaments matapos ang Mobile Legends: Bang Bang noong Linggo.

Ngayong araw, makakalaban naman ni Cav Acampado ng Sibol ang Singaporean team para sa StarCraft II tournament at pag-aagawan din ang gold medal.

Samantala, dahil sa nakuhang 137 gold medals, nahigitan na ng Pilipinas ang nakuhang 112 medals noong 2005 SEA Games.

Read more...