Ayon kay Undersecretary Jonathan Malaya, kinikilala nila ang matagumpay na implementasyon sa San Jose Del Monte ng road clearing at disaster preparedeness program at mga kahalintulad na programa.
Gayundin, ang pagpapabilis sa pagproseso ng mga negosyo na nag-ambag sa pagtaas ng kita sa buwis ng siyudad.
Pinapurihan din ni Malaya ang epektibong quarterly town hall meetings na ginagawang mag-asawang Mayor Arturo Robes at SJDM Rep. Florida “Rida” Robes.
Partikular dito ang Disiplina Muna National Advocacy Campaign na nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Sinisiguro ng mga Robes na mananatili silang kaagapay ng mga residente ng SJDM sa pamamagitan ng
May regular na “Ugnayan sa Barangay” Town Hall Meeting.
“We share DILG Secretary Eduardo Año’s vision of LGUs as the government’s bridge to the people. Our duty as Filipinos — to uphold the law and to contribute to the country — begin with our interaction with local government units,” saad ni Mayor Robes. “This is why it’s really necessary for us to touch base with each and every barangay so that we can personally inform our constituents about how we are cooperating with the national government.”
Ang huling town hall meeting para ngayong taon ay may temang “Ikaw at Ako sa Paskong Darating” at isa sa mga highlights nito ay ang diskurso hinggil sa “Disiplina Muna National Advocacy Campaign” ng DILG. Ang naturang kampanya ay opisyal na inilunsad sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2019-181 noong nakaraang October 24.
Partikular na nakatuon ang kampanya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.