DOTr humingi ng paumanhin matapos ang pabirong post tungkol sa Miss Universe

Humingi ng paumanhin ang Department of Transportation (DOTr) matapos na marami ang mag-react sa kanilang post tungkol sa Miss Universe.

Sa kanilang official Facebook page, nag-post ang DOTr ng Breaking News.

May nakasulat dito na “NBA CHAMPIONSHIP NG MGA BOKLOOH, UMAARANGKADA NA. Traffic sa mga pangunahing lansangan, MALUWAG! MGA PARLOR, SIGURADONG SARADO!”

Ang tinutukoy ng DOTr na “NBA championship ng mga boklooh” ay ang Miss Universe Pageant.

Ilang netizens ang hindi nagustuhan ang naturang post ng DOTr.

May nagsabi pang “nnecessary” at “bad humor” ang naturang post.

Sa comment box, humingi ng paumanhin ang DOTr.

Ayon sa DOTr, maaring bumawi ang Pilipinas sa susunod na taon matapos na hindi makapasok sa top 10 si Gazini Ganados.

“Pasensya na po sa mga nagalit. No offense meant. We’re just trying to draw humor once in a while. God bless, everyone! Bawi tayo next year, mahal naming PILIPINAS,” ayon sa post.

Ibinahagi din ng DOTr sa kanilang twitter account ang paghingi ng paumanhin.

Read more...