PNP, nakaalerto sa posibleng pag-atake kasabay ng anibersaryo ng CPP

PHOTO GRAB FROM Philippine National Police/FACEBOOK

Nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng nalalapit na 51st founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.

Sa press briefing sa Quezon City, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na nagbaba na ng direktiba sa lahat ng police units para magtaas ng alert level.

Layon aniya nitong hindi malusutan ng anumang klase ng pag-atake.

Dagdag pa ni Banac, sakaling ibalik ang usaping pangkapayapaan, suportado ito ng PNP.

Kailangan laman aniyang magkaroon ng abiso ang mga korte ukol sa mga standing warrant of arrest ng ilang lider ng komunistang grupo.

Read more...