PNP, may nakahanda ng security plan para sa Christmas season

PHOTO GRAB FROM Philippine National Police/FACEBOOK

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mayroon na silang security plan para sa Christmas season.

Sa press briefing sa Quezon City, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na nakahanda na ang security plan ng kanilang hanay.

Agad aniya itong ilulunsad pagkatapos ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Magkakasa aniya agad ng mahigpit na seguridad ang PNP sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa December 16 hanggang sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Banac, layon nitong matiyak maging maayos at mapayapa ang selebrasyon ng Christmas season sa taong 2019.

Read more...