LOOK: Alden Richards, sa Baguio City nagdiwang ng ika-siyam na anibersaryo sa showbiz

Ipinagdiwang ng Kapuso star na si Alden Richards ang kaniyang ika-siyam na anibersaryo sa showbiz industry.

Sa Instagram, ibinahagi ni Alden ang mga larawan sa pag-iikot sa Baguio City partikular sa Old Diplomat Hotel.

Sa caption ng larawan, sinabi ng aktor na inalala nito ang nakaraang siyam na taon.

Para sa iba, tinawag aniya itong blessing habang sa ilan naman ay swerte.

Ngunit para sa kaniya, sinabi ni Alden na ito ay bunga ng kaniyang hard work, perseverance at pagdarasal.

Nagpasalamat ang aktor sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang showbiz career.

Read more...