Mahihinang pagyanig, naramdaman sa Davao Occidental at La Union

Niyanig ng mahihinang lindol ang Davao Occidental at La Union, Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3 na lindol sa 15 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 2:12 ng hapon.

May lalim itong 33 kilometers.

Dahil dito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 2 – Malungon, Alabel Sarangani
Intensity 1 – General Santos City

Makalipas ang tatlong minuto, tumama ang kaparehong lakas ng lindol sa 5 kilometers Southwest ng Santo Tomas bandang 2:15 ng hapon.

May lalim itong 6 kilometers.

Kapwa tectonic ang dahilan ng dalawang pagyanig.

Sinabi ng Phivolcs na walang naitalang pinsala at inaasahang aftershocks matapos ang dalawang pagyanig.

Read more...