Balimbing, anti-dynasty kasama sa 2nd set ng proposed constitutional amendments ng DILG

Pinasa na ng Inter-agency Task Force on Constitutional Reform or Task Force CORE na pinamumunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ikalawang proposed constitutional amendments sa Kongreso.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nilalaman ng ikalawang mungkahi na amyendahan ang saligang batas sa pagbabawal sa mga balimbing na pulitiko.

Ito ay para mapagtibay ang political parties bilang public institutions.

Maglalagay din ng probisyon sa saligang batas ng anti-political dynasty.

Ang pagkakaroon ng campaign finance reform sa pamamagitan ng pagbuo ng democracy fund at ang pagpapalawig sa termino ng mga local government official ng limang taong panunungkulan pero tanging dalawang beses na lamang itong pwedeng mahalal.

Paliwanag ni Malaya, ang second set ng proposed amendments ay may layuning mapagtibay ang demokrasya sa bansa at mapalakas pa ang pamamahala ng gobyerno.

Read more...