Klase sa Cagayan balik na sa normal ngayong araw

Balik sa normal na ang klase sa Cagayan Province ngayong araw matapos makaranas ng ilang araw na pagbaha.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, binawi na ni Gov. Manuel Mamba ang umiiral na suspensyon sa klase.

Balik na rin trabaho sa ang mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.

Ayon kay Mamba, base ito sa rekomendasyon ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO).

Base sa pangkalahatang pagtaya ng PCCDRRMO ay wala nang banta ng panganib kaya inirekomendang bawiin na ang umiiral na suspensyon.

Ipinaubaya naman na ni Mamba sa Local Chief Executives o Municipal Mayors kung mananatili ang suspensyon sa kani-kanilang bayan lalo na sa mga lugar na may pagbaha pa.

Read more...