Ito ang inanunsyo ni Dr. Noor Hisham Abdullah, Director General ng Ministry of Health araw ng Linggo.
Ayon sa health official, ang batang lalaki ay mula sa Tuaran, state of Sabah, at nagpositibo ito sa polio araw ng Biyernes matapos ma-confine sa ospital nang may lagnat at muscle weakness.
Vaccine-Derived Type 1 polio virus ang tumama sa bata.
Kasalukuyan umanong ginagamot ang bata at ngayon ay nasa stable condition na ngunit kailangan pa rin nito ng tulong para makahinga.
Ayon kay Door Noor Hisham, ang polio strain na tumama sa bata ay nagpapakita ng genetic links ng polio virus na naitala sa Pilipinas,
Matatandaang muling napaulat ang polio cases sa Pilipinas noong Setyembre.
Ang Borneo, Malaysia ay nasa Timog lang ng Pilipinas.
Dahil sa muling pagbabalik ng polio sa Malaysia, palalawakin ang immunization coverage hanggang 95 percent pataas.