Ang Kapistahan ng Immaculada Concepcion ay ginugunita tuwing ika-December 8 ng taon pero ngayong araw, December 9 ito ginugunita ng mga Katoliko.
Ito ay dahil ang December 8 ay natapat ng araw ng Linggo na panahon na rin ng Adbiyento.
Base sa liturhiya ng simbahan ang mga LInggo sa panahon ng Adbiyento, Kuwaresma at Pasko ng Pagkabuhay ay nagtataglay ng higit na antas kaysa alinmang Kapostahan ng Panginoon o ang mga Dakilang Kapistahan.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na inaalala ang selfless service at devotion ni Mama Mary sa kaniyang pamilya at ang kaniyang pananampalataya.
Ayon sa pangulo, nawala ay magsilbing inspirasyon sa sambayanan si Immaculate Conception para mapanatili ang kapayapaan at pag-uunawaan sa bawat mamamayan anuman ang paniniwala at pananampalataya.
Hinikayat ng pangulo ang bawat iras na magkaisa at magsama-sama para sa mas progresibo, masagana at nagkakaisang bansa.