Sa ikatlong linggo sa mga sinehan, Frozen 2 nangunguna pa rin sa US box office

Sa ikatlong sunod na linggo ang “Frozen 2″ pa rin ang nananatiling nangunguna sa US box office.

Nitong nagdaang weekend, umabot sa $34.7 million ang kita ng Frozen 2 sa North America.

Pero ang nasabing kinita sa ikatlong linggo ng Frozen 2 ay may pagbaba na kumpara sa $130 million na inaugural outing nito at $123 million sa ikalawang linggo.

Inaasahang mapapabilang ang Frozen 2” sa billion-dollar club ng Disney at magiging ikaanim na pelikula na na aabot sa bilyon ang kita.

Read more...