Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, tail-end of a cold front at northest monsoon o Amihan pa rin ang umiiral na weather systems sa bansa.
Ngayong araw, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang tail-end of a cold front sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Ayon kay weather specialist Meno Mendoza, posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mga pag-ulan na dala ng tail-end of a cold front.
Maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Ilocos Provinces dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon, ramdam na rin ang lamig ng Amihan ngunit walang mapanganib na epekto.
Sa Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao, maalinsangan ang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
– Batanes
– Cagayan
– Babuyan Islands
– Isabela
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
Pangasinan
– Aurora
– Zambales
– Bataan
– Northern at eastern coast ng Pollilo Islands
– Camarines Norte
– Western coast ng Palawan
– Northern at eastern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
– Eastern coast ng Sorsogon
– Northen at Eastern coast ng Samar provinces