Kokoronahan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang successor sa Tyler Perry Studios, Atlanta, Georgia, USA mamayang alas-8:00 ng umaga sa Pilipinas.
Sa katunayan, inaabangan na ang performance ng pambato ng bansa na si Gazini Ganados sa coronation night mamaya.
Una nang pinag-usapan ang pagrampa ng Cebuana sa preliminary competition noong Sabado.
Patok sa pageant enthusiasts at fans ang Phoenix Gown at ang Philippine-eagle inspired national costume ni Ganados.
Samantala, ngayong Lunes ng madaling-araw, may Instagram post ang beauty queen.
Sa naturang video, nangako si Ganados na gagawa ng positibong pagbabago at dadalhin ang kanyang mga adbokasiya sa pagpapatuloy ng kanyang paglalakbay.
Higit 90 kandidata ang maglalaban para maisuot ang bagong Mouawad Crown ng Miss Universe na tinatawag ding ‘Power of Unity’ crown.
Ang naturang korona na may 18-karat gold at shield-cut golden canary diamond ay nagkakahalaga ng $5 million o P250 milyon.
“I know that the road looks unending, but with every mile we make is an improvement cherish. Today is the continuation of that journey. And gather more support for the causes that are close to my heart. To create repose of positive change. I am Gazini Ganados, and I will carry these values and advocacies with me as I soar high up in the universe and beyond,” ani Ganados.