ALAMIN: Rollback ng mga kumpanya sa petrolyo ngayong linggo

May rollback sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Sa katunayan, una nang nagpatupad ng rollback ang independent oil player na Cleanfuel alas-4:01 ng hapon, kahapon, December 8.

Umabot sa P0.40 ang rollback ng Cleanfuel sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel.

Ang Shell naman, parehong P0.40 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene habang walang rollback sa presyo ng diesel.

Samantala, ang Petron, parehong P0.30 ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene at may P0.10 tapyas din sa presyo ng kada litro ng diesel.

Kapwa magpapatupad ng rollback ang dalawang major oil player bukas, Martes, alas-6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Read more...