Patay na sanggol natagpuan sa restroom ng NAIA Terminal 3

Natagpuan ang isang walang buhay na sanggol sa restroom ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, araw ng Linggo.

Ayon sa pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) Linggo ng hapon, ang ‘fetus’ na isa nang ‘full term baby girl’ ay natagpuan alas-7:00 ng umaga sa Comfort Room No. 302.

Nakabalot sa leeg ng sanggol ang isang underwear na pinaniniwalaang mula sa nanay nito.

Sinubukan pa ng medical team ng MIAA na magbigay ng basic life support sa sanggol ngunit hindi na ito nagpakita pa ng kahit anong senyales ng buhay.

Ipinag-utos ni MIAA General Manager Ed Monreal ang pag-review sa lahat ng CCTV ng NAIA Terminal 3.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang insidente.

Read more...