Patuloy na nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.
Sa weather update bandang 5:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio na makararanas ng maulap na papawiran na may mahihinang pag-ulan sa Ilocos province, Cordillera, Cagayan Valley,
Samantala, umiiral naman aniya ang tail end of a cold front sa Bicol region.
Dahil dito, iiral aniya ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas at lalawigan ng Quezon.
Pinayuhan ang mga residente sa nasabing lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Magiging maganda at maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.
READ NEXT
WATCH: Maynilad, Manila Water idedemanda kapag hindi inalis ang tagilid na probisyon sa kontrata
MOST READ
LATEST STORIES