Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na handa naman ang pamahalaan na makipag-usap sa dalawang water concessionaire.
“May mga onerous provisions [na] natuklusan na kailangang baguhin natin. Sabi naman ng 2 partido na willing sila makipag-ayos… Kailangan ayusin muna. Mag-uusap yung dalawa. Mag-negotiate muna ang dalawa, they will be discussing terms kung paano nila aayusin,” ani Panelo.
Ayon kay Panelo, walang kakaharaping problema ang Maynilad at Manila Water kung papayag sa kondisyon ng pamahalaan na alisin ang mga probisyong hindi naayon sa batas.
“Wala naman sinasabi si Presidente na magre-rescind arbitrarily. Ang sinasabi niya ayusin ang kontratang ‘yan dahil mali ‘yung kontratang ‘yan. Kumbaga mag-uusap. Kung pumayag sila o ‘di walang problema. Kung hindi naman, o di mag-dedemanda,” pahayag ni Panelo.
Halimbawa na rito ang pagbabawal sa pamahalaan na makialam sa rate adjustment, pagpapasa sa pagbabayad ng corporate income tax sa customers at iba pa.
Una nang nagbanta si Pangulong Duterte na kakasuhan ng economic sabotage, ipaaresto at ipakukulong ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water kapag hindi binago ang kontrata sa pamahalaan.
Wala ring balak si Pangulong Duterte na bayaran ang P7.4 bilyong arbitration case na napanalunan ng Manila Water sa arbitration court sa Singapore pati na ang P3.4 bilyon sa Maynilad.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu: