Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ipinagkibit-balikat lamang ng pangulo ang imbestigayson ng ICC.
Noon pa man, nanindigan na aniya ang pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil hindi naman nalathala sa Official Gazette ang pagiging miyembero ng bansa sa naturang international body.
Sinabi pa ni Panelo na tanging ang mga kritiko lamang gaya ni dating Congressman Neri Colmenares ang nababahala sa kaso ng pangulo sa ICC.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na walang pakialam ang Palasyo kahit na tumulong pa ang Commission on Human Rights (CHR) sa imbestigasyon ng ICC.
Nasa CHR na aniya ang pagpapasya kung magbibigay ng mga dokumento sa ICC.