Ayon sa pahayag ng MWSS regulatory office, may ginagawa nang hakbang para magkaroon ng pag-uusap ang kanilang hanay at ang dalawang water concessionaire.
Samantala, sinabi naman ni Justice undersecretary at spokesman Markk Perete na mapipilitan ang pamahalaan na gumawa ng legal action kapag hindi tinanggal ang mga ilegal na tagilid na probisyon sa kontrata sa pamahalaan.
Una nang pinagbanataan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water na sasampahan ng kasong economic sabotage, ipaaresto at ipakukulong kung itutuloy ang tagilid na kontrata sa pamahalaan.