Nakuhang medalya ng Pilipinas, nasa 225 na

Umabot na sa mahigit 200 ang nasungkit na medalya ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa huling tala bandang 11:00 ng umaga, nasa kabuuang 225 na ang bilang ng medalya ng Pilipinas sa ikawalong araw ng SEA Games.

Sa nasabing bilang, 90 rito ang gold medals, 67 ang silver habang 68 naman ang bronze.

Narito ang ilan pa sa mga nagwaging atletang Filipino:

Gold:
– Melcah Jen Caballero (Rowing, Lightweight Women’s Single Scull)
– RP Blu Girls (Women’s Softball)

Silver:
– RP Blu Boys (Men’s Softball)

Bronze:
– Edgar Ilas at Roque Abala (Rowing, Lightweight Men’s Double Sculls)
– Daisy Valdez (Surfing,, Longboard open)
– PH Dragonboad Team (22-Seater 500M Mixes Category of the Traditional Boat Race)
– Diogenes Avila (Shooting, Mixed Metallic Silhouette Air Rifle)
– John Mark Tokong (Surfing, Men’s shortboard)

Read more...