Lebel ng tubig sa Angat Dam, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division bandang 6:00, Linggo ng umaga, nasa 195.55 meters ang water level ng dam.

Bahagya itong tumaas kumpara sa naitalang 195.34 meters noong Sabado.

Nadagdagan din ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga at Pantabangan Dams.

Samantala, nabawasan naman ang water level sa Ipo, San Roque, Magat at Caliraya Dams.

Read more...