Alinsunod sa Republic Act No. 11297, idaraos ng Commission on Elections (Comelec) ang plebisito na magbabago sa pangalan ng probinsya.
Lahat ng botante sa May 13, 2019 national and local elections sa 11 bayan ng Compostella Valley ay maaaring lumahok sa plebisito.
Mayroong 462,942 rehistradong botante sa probinsya para sa nagdaang halalan.
Sa balota, sasagutin ng mga botante ang tanong na:
“Pumapayag ka ba na palitan ang pangalan ng Lalawigan ng Compostela Valley at gawing Lalawigan ng Davao de Oro alinsunod sa Batas Republika Bilang 11297?”
Ang pabor ay sasagot sa balota ng ‘Yes’ o Oo at ang hindi pabor ay susulat ng ‘No’ o Hindi.
Tatakbo ang botohan mula alas-7:00 ngayong umaga hanggang alas-3:00 mamayang hapon.
Kapag nagsara ang botohan, agad na bibilangin ng Plebiscite Committee ang mga boto para malaman ang resulta.