Obispo nananawagan ng tulong para sa mga biktima ng pagbaha sa Isabela

Ilagan PIO

Nananawagan ng tulong ang isang obispo para sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa Isabela bunsod ng Amihan at tail-end of a cold front.

Humihingi si Ilagan Bishop David William Antonio ng in-cash o in-kind donations lalo na ang food packs na maaaring dalhin sa Chancery.

Agad ipamamahagi ang mga donasyon sa mga apektadong komunidad.

Maraming bayan sa Isabela ang nalubog sa baha at isinailalim na sa state of calamity ang capital city na Ilagan.

Tuloy-tuloy ang clearing at relief operations ngayon ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz.

Umabot sa 41 baranggay ang nalubog sa baha na nakaapekto sa 10,349 pamilya o nasa 30,000 katao.

Para sa mga nais magbigay ng tulong sa Diocese of Ilagan, maaaring makipag-ugnayan kay Sr. Michaela ng Diocese Social Action Center sa numerong 09556097276 o sa Diocesan Chancellor na si Fr. Ric-zeus Angobung sa numerong 09178886301.

Read more...