Mahigit 60,000 katao apektado ng pagbaha sa Cagayan

Aabot sa 66,321 na katao o 15,370 na pamilya ang apektado ng nararanasang malawakang pagbaha sa Cagayan.

Ang pagbaha ay dahil sa ilang araw nang pag-ulan dulot ng amihan at tail end of a cold front.

Sa update mula sa Cagayan Provincial Information Office, 122 na barangay ang apektado mula sa 21 isa nilang munisipalidad.

Aabot sa 2,599 na pamilya o 9,371 na katao ang nasa mga evacuation centers.

Mayroon namang 11,253 families o 38,956 na katao ang pansamantalang nakikituloy sa kaanak o kaibigan.

Nananatiling walang naitatalang nasawi o nasugatan sa malawakang pagbaha.

Read more...