Water level sa Buntun Bridge sa Cagayan bahagya nang bumaba pero nananatili pa rin sa critical level

Bumaba na ang antas ng tubig sa Buntun Bridge sa Cagayan.

Alas 7:20 ng gabi ng Biyernes, December 6 ay nasa 10.94 meters ang antas ng tubig sa Buntun Bridge.

Bumaba kumpara sa mahigit 12 meters na naitala simula Hu7webes ng gabi.

Nananatili pa rin ito sa critical level.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, maari pa ring magpatuloy ang nararanasang pagbaha sa maraming bayan sa Cagayan sa susunod na 24 na oras.

Inaabisuhan ang mga residente na maging maingat at magpatupad ng precautionary measures.

Read more...