Pinoy surfer huminto sa kasagsagan ng kompetisyon para iligtas ang kalaban niyang Indonesian surfer

Umaani ng papuri ang isang Filipino surfer matapos huminto sa kasagsagan ng kompetisyon para iligtas ang kalaban niyang Indonesian surfer.

Pagkakataon na sana ni Roger Casugay na maiuwi ang gintong medalya sa ginaganap na kompetisyon sa La Union.

Pero nasira ang leash, o yung tali na nakakabit sa surfboard ng kalaban niyang Indonesian.

Dahil si Casugay ang pinakamalapit sa Indonesian hindi ito nagdalawang-isip na huminto at puntahan ang kalaban para i-rescue.

Dahil sa nasabing insidente ay pansamantala na nahinto ang kompetisyon.

Read more...