Cavite-Metro Manila Ferry Boat Service ilulunsad na ng DOTr

Nakatakda nang ilunsad ng Department of Transportation at Maritime Industry Authority (MARINA) Cavite-Metro Manila Ferry Boat Service.

Gagawin ang launching sa December 8 araw ng linggo sa City Hall ng Cavite City.

Inaasahang makatutulong ito sa pagpapaluwag ng daloy ng traffic sa Metro Manila dahil magkakaroon ng opsyon para sa water transportation ang publiko.

Ang magiging ruta ng Cavite-Metro Manila Ferry Boat Service ay ang sumusunod:

• Cavite City Port Terminal – Cavite City Hall to CCP Port
• Cavite City Port Terminal – Cavite City Hall to Lawton, Liwasang Bonifacio

Ang naturang mga ruta ay iooperate ng Shogun Ships Co., Incorporated at Seaborne Shipping Lines Incorporated.

May itinakda nang schedule ng biyahe para sa mga ferry.

Ang pamasahe ay P200 mula CCP hanggang Cavite at pabalik, P160 kapag estudyante, P143 kapag senior citizen at P125 kapag bata na edad 4 hanggang 11.

Ang ruta naman na Cavite to Lawton at pabalik ay P160 ang pamasahe, P128 kapag estudyante, P114 kapag senior citizen at P80 kapag bata na edad 4 hanggang 11.

Read more...