Militanteng grupong ‘Panday Sining’ idineklarang persona non grata sa Maynila

Idineklarang persona non grata sa Maynila ang militanteng grupong ‘Panday Sining’.

Ito ay matapos na mag-bandalismo sa Maynila ang naturang grupo.

Sa tweet ng Manila Public Information Office nakasaad na inaprubahan ng Manila City Council ang resolusyon na nagdedeklara sa youth group bilang persona non grata.

Noong Sabado, naaresto ang apat na miyembro ng Panday Sining kabilang ang isang menor de edad.

Ito ay matapos magbandalismo sa sa poste ng Light Rail Transit sa Recto Avenue.

Read more...