Pope Francis pangungunahan ang Aguinaldo Mass para sa mga Pinoy sa Roma sa Dec. 15

Nakatakdang pangunahan ni Pope Francis ang isang Aguinaldo Mass para sa Filipino community sa Roma sa December 15.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), ito ang magiging ikaapat na Aguinaldo Mass para sa Filipino community na gaganapin sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.

Pero ito ang unang pagkakataon na isang Santo Papa ang mamumuno sa misa.

Ayon kay Scalabrinian Fr. Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, aabot lamang sa 7,500 churchgoers ang kakayaning i-accommodate sa misa dahil sa limitadong espasyo sa basilica.

Ngayon pa lang ayon kay Gente ay libu-libong request na ang kanilang natatanggap mula sa mga Pinoy pero hindi sila pwedeng lumagpas sa bilang na itinatakda ng basilica.

Read more...