Nagpatawag ang Pangulo ng Situation Briefing sa epekto ng kalamidad sa Bicol region on the effects of Typhoon Tisoy in Bicol region. Ginanap ang briefing sa Legazpi City Convention Center in Albay.
Dumalo sa naturang pulong ang Sa kaparehong arg local officials sa rehiyon, Cabinet Secretaries, at mga kinatawan mula sa national government agencies at mga miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Iniulat naman nina Undersecretary Ricardo Jalad, Administrator ng Office of the Civil Defense at NDRRMC Executive Director na ang pagtalima ng maraming mga residente sa pre-emptive ang dahilan ng mababang bilang ng casualties. Tinalakay din nito ang mga aksiyon na isinakatuparan ng disaster response clusters, pati na ang mga sumunod na hakbang na ginawa ng mga kinauukulang ahensiya.
Kinilala naman ni Pangulong Duterte ang pagsisikap ng local government units sa paghahanda bago pa man mag-landfall ang bagyo.
“I think I will congratulate you for a job well done, the local officials,” sabi ng Pangulo. Pinalikas din ng mga Local officials ang mga residenteng apektado ng bagyo patungo sa mga evacuation areas para sa kanilang kaligtasan.
Kinilala rin ng Presidente ang trabaho ng national agencies bago, habang at pagkatapos ng bagyo. Ipinanawagan din nito ang pagpapatayo ng storm shelters at hiniling sa mga ahensiya na magsumite ng damage assessment reports upang mapondohan ng gobyerno ang rehabilitasyon na kakailanganin para sa pagpapatayo ng mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Sabi ng Presidente “The government agencies knew what to do before the typhoon hit. So, I am more than satisfied by the response.” Siniguro din nito na may nakalaan na pondo para sa rehabilitasyon.
Inatasan ng pangulo ang NDRRMC at kanilang regional counterparts na alamin ang mga lugar na nangangailangan ng recovery projects sa mga apektadong lugar.
Sinabihan din ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government na pabilisin ang mga paghahanda ng evacuation centers at pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa gitna ng mga kalamidad. Inatasan din nito ang Department of Transportation na i-institutionalize ang suspensiyon ng protocols sa public transport at cargo kapag may inaasahang weather disturbances.
Samantala, inatasan ng Presidente ang Department of Agriculture na bigyan ng ayuda ang mga apektadong magsasaka at mangingisda. Ang Department of Social Welfare and Development ay pinaasistihan ang pinakamahihirap na pamilya sa pamamagitan ng cash or food for work programs, at ang Department of Human Settlements and Urban Development na magkaloob ng housing assistance sa mga pamilya na nasira ang bahay.
Bilang tugon naman sa concerns ng local government officials, nangako ang Presidente na magbibigay siya ng ayuda sa pagpapatayo ng 2,000 housing units kung saan maari nilang i-relocate ang mga residente na nakatira malapit sa dalampasigan sa Albay. Gayunman, para sa interest of public safety, ay sumang-ayon ang pangulo sa suhestiyon niAlbay Governor Al Francis Bichara na putulin ang mga puno sa kahabaan ng to highway na madalas humahambalang sa mga kalye kapag nabubuwal sanhi ng malakas na hangin.
Ang bagyong Tisoy na may internationall name na Kammuri, ay isang category 4 tropical cyclone na taglay ang lakas ng hangin na 215 kilometers per hour at nag-landfall noong December 2. Iniwan ng bagyo ang tinatayang Tisoy lPhP667 million na halaga na pinsala sa lalawigan ng Sorsogon at aabot sa PhP29.5 million sa lalawigan ng Albay. Ang numero ay inaasahang tataas pa habang patuloy ang pagpasok ng mga reports.
Matapos bumisita sa Legazpi City, nagtungo naman ang Pangulo at sSenator Bong Go sa Initao, Misamis Oriental para parangalan ang police officer na namatay matapos masabugan ng granada sa isang eskuwelahan, pati na ang mga pulis na nasugatan sa kaparehong insidente.
Samantala, sinabi naman ni Senator Go na tutulungan niya ang mga pinakaapektado ng bagyo at bibisita sa mga lugar na malubhang tinamaan ng bagyo sa Bicol ngayong darating na weekend upang magkaloob ng relief assistance at para matugunan ang kanilang concerns.
Itinutulak ni Go ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience sa pamamagitan ng panukala na kanyang inihain sa senado. Umaasa ang senador na kapag maitatag na ang naturang departamento ay makapagbibigay ito mg serbisyo na tutugon sa tatlong larangan ng disaster management: disaster risk reduction, disaster preparedness and response, at recovery and building forward better.
Sa kanyang mga nagdaang mensahe, Sinabi ni Go na kailangan ng bansa nf mabilis, agaran at episiyenteng responde ng gobyerno mula pamalaan pagdating ng kalamidad. Sabi ni Go, “Sa pagpapatayo ng departamentong ito, mas magiging mabilis ang pagtugon ng pamahalaan, mas maibsan ang masamang epekto ng kalamidad para mas mabilis makabangon ang ating mga kababayan pagkatapos ng mga di inaasahang sakuna.”
Hangad ni Go ang pagbuo ng “highly-specialized department” na may malinaw na tungkulin. Magsisiguro din ito ng kaligtasan, adaptation and resilience ng Filipinos na madalas tamaan ng natural calamities at disasters kada taon.