Boses ng online sensation na si Mimiyuuuh tampok sa Waze

Ang online sensation na si Mimiyuuuh ang bagong boses ng Waze.

Si Mimiyuuuh ang ikalawa pa lamang na Pinoy na ang boses ay naitampok sa Waze.

Ang una ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kaniyang Instagram sinabi ni Mimiyuuuh na hindi niya inakalang magiging susunod siyang boses ng Waze kasunod ni Catriona Gray.

Para magamit ang boses ni Mimiyuuh kailangan lamang magtungo sa settings ng waze at sa voice directions.

Read more...