Natakot sa helicopters, 2 rebelde sa South Cotabato sumuko

Nanginginig sa takot nang makita ang mga lumilipad na military helicopters kaya’t minabuti na ng dalawang rebeldeng komunista sa Lake Sebu, North Cotabato na sumuko.

Kinilala lang sa kanilang mga alias na Kapitan at Nannei ang sumukong miyembro ng Communist Terrorist Group.

Isinuko din nila ang dalawang AK – 47 rifles.

Ikinuwento ng dalawa, hindi na sila mapalagay simula nang umiikot-iikot sa kanilang pinagtataguan sa Barangay Ned ang mga combat helicopters ng Philippine Air Force noong Nobyembre 15.

Una na rin silang naka-engkuwentro ng mga tauhan ng Army 27th Infantry Battalion.

Nang maatasan sila na mangolekta ng makakain ng kanilang grupo, hindi na sila nagbalik sa kanilang kuta at sumuko na sa awtoridad.

Read more...