Barangay officials makatatanggap ng P3,000 Christmas incentives

Photo credit: Office of Sen. Bong Go

Inanunsyo ni Senator Christopher Go na tatanggap ng tig-P3,000 ang lahat ng elected barangay officials sa bansa mula sa Office of the President.

Kasama aniya sa makatatanggap ang Sangguniang Kabataan chairpersons at Indigenous People’s Mandatory Representatives.

Ayon sa senador ang insentibo ngayong Kapaskuhan para sa mga opisyal ng barangay ay inihirit niya kay Pangulong Duterte.

Aniya patunay lang ito na pinahahalagahan ng administrasyong-Duterte ang mga opisyal ng barangay kahit sa munting paraan.

Sinabi pa ni Go na ang mga barangay officials ang unang nagbibigay serbisyo sa mamamayan kayat isinusulong niya ang pagpasa ng Senate Bill No. 391 o ang Barangay Services Compensation Act.

Ang panukala na naunang inihain bilang Magna Carta for Barangays Act of 2019 ay hawak na ng Committee on Local Government.

Read more...