Drug den sinalakay ng PDEA sa Cebu City, 6 arestado

Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Barangay Carreta, Cebu City.

Tinarget ng mga tauhan ng PDEA RO VII-Airport Interdiction Unit (AIU) ang isang bahay sa Sitio Bagong Buhay.

Naaresto sa operasyon ang target na si Pedro Benabaye na siyang nagmementina ng drug den at mga parokyano niyang sina Jeffrey Gimena, Ellaine Villaflor, Raymart Cambarijan, Annie Analoia at Rammel Pabilan.

Nakumpiska sa kanila ang 11 plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa sections 5, 6, 7, 11 at 12, Article II ng RA 9165.

Read more...