Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, labis na napinsala ang
Regions III, V, CALABARZON, at MIMAROPA.
Sa latest situation report ng NDRRMC, umabot na sa P2,096,564,965 ang pinsala sa agrikultura ng bagyo.
Aabot din sa 108,285 na pamilya o 470,140 na katao sa 1,237 barangays sa Regions III, V at VIII ang naapektuhan.
Samantala, umabot naman na sa P6,112,550.36 ang tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa official data ng NDRRMC, 12 ang nasawi sa bagyo at mayroong 54 na nasugatan sa Regions V, VIII, CALABARZON, at MIMAROPA.
Ang mga nasawi ay mula sa Quezon Province, Marinduque, Oriental Mindoro, Leyte, at Northern Samar.