Ito ang sinabi ni Sen. Imee Marcos matapos punahin ang napakataas na presyo ng isdang galunggong na mas mahal pa sa karne ng baboy ngayon.
Ibinahagi ni Marcos ang ginawa nilang pagmonitor sa presyo ng galunggong sa ilang palengke sa Metro Manila.
Sa Mega Q Mart, P330 kada kilo na ang galunggong mula sa dating P160; sa Pasig City Market ay P240 na ito mula P120 at sa Munoz Public Market naman ay hanggang P280 ang kilo.
Maging ang presyo ng ibang isda ay tumaas din ang presyo, tilapia ay nasa P130 kada kilo mula sa P90 at ang bangus ay humahataw na san a dating mabibili sa pinakabamabang P100 kada kilo ay nadoble na sa P200.
Tumaas ang halaga ng mga isda, katulad sa nangyari sa manok, dahil sa African Swine Fever.
Sang-ayon naman si Marcos sa pahayag ni Agriculture Sec. William Dar na aangkat ng 45,000 metriko tonelada ng galunggong at mackerel para mapunan ang mababang suplay sa bansa.