P11.3M na halaga ng misdeclared na food products at ukay-ukay nakumpiska ng BOC

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang P11.3 mllion na halaga ng mga produkto.

Kabilang sa nakumpiska ang mga misdeclared na food products gaya ng de lata at cofee beans.

Nakumpiska rin ang isang container na puno ng ukay-ukay products na pawang galing Hong Kong, Brazil at South Korea.

Ang mga food product ay naka-consign sa JL Twins Enterprises habang ang mga ukay-ukay ay naka consign sa FiveJhoch Enterprises.

Ayon sa Customs, misdeclared ang mga produkto at ang mga pagkain ay walang accreditation mula sa Food and Drug Administration.

Sasailalim sa seizure proceedings ang mga pagkain habang ang mga ukay-ukay ay sisirain.

Read more...