Naitala ang 1.3 percent na inflation rate noong Nobyembre na mas mataas sa 0.8 percent noong Oktubre.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo nagagawa ng pamahalaan na mapigilan ang pasipa ng inflation.
Sa unang 11 buwan aniya ng taon ay umaabot lang sa average na 2.5 percent ang inflation rate.
Ayon ayon aniya sa Department of Trade and Industry (DTI) maituturing itong “very tamed inflation rate”.
Dagdag pa ni Panelo ang pagsipa ng inflation noong Nobyembre ay dahil sa tumaas na halaga ng alcoholic beverages at tobacco products.
MOST READ
LATEST STORIES