Pilipinas mayroon nang 68 gintong medalya sa SEA Games

Ang Pilipinas pa rin ang nangunguna sa medal tally sa nagpapatuloy na na 2019 Southeast Asian Games.

As of 12:00NN ngayong araw, Dec. 6 mayroon nang 151 na medalya ang Pilipinas – 68 ay ginto, 49 ang silver at 34 ang bronze.

Pumapangalawa na sa Pilipinas ang Indonesia na mayroon nang 32 gintong medalya, 38 silver at 41 bronze.

Habang nasa ikatlong pwesto na ang Vietnam na may 31 gild, 38 silver at 41 bronze.

Umangat ang pwesto ng Singapore na mayroon nang 26 gold medals, 18 silver at 41 na bronze.

Kabilang sa nagdagdag ng medalya para sa Pilipinas ngayong araw ang mga sumusunod:

– Sandi Menchu Abahan, gold (Women’s Individual 5Kx20 Obstacles)
– Christine Hallasgo, gold (42-km women’s marathon)
– Mervin Guarte, gold (Men’s 5Kx20 Obstacles)
– Michael Ver Anton Comaling, gold (modern pentathlon, men’s Individual Beach Triathle)
– Glorien Merisco, silver (Women’s Individual 5Kx20 Obstacles)
– Mary Joy Tabal, silver (42-km women’s marathon)
– Sherwin Managil, silver (Men’s 5Kx20 Obstacle)
– Princess Arbilon, bronze (modern pentathlon, women’s Individual Beach Triathle)

Read more...