Paalala ng LTFRB sa mga opisyal at empleyado: Bawal tumanggap ng regalo ngayong Pasko

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga opisyal nila at empleyado hinggil sa pagbabawal na tumanggap sila ng regalo.

Ayon sa LTFRB sa ilalim ng RA 6713 at Memorandum order No. 2016-002 ay umiiral ang No Gift Policy.

Ibig sabihin bawal manghingi o tumanggap ng regalo, directly man o indirectly ang kaniyang mga opisyal at tauhan.

Inilabas ng LTFRB ang paalala ngayong Christmas season.

Read more...