K-pop group na Twice bagong endorser ng Bench

Ang South Korean girl group na Twice ang bagong endorser ng kumpanyang Bench.

Sa kaniyang Instagram Account, ibinahagi ni Bench Founder Ben Chan ang balita.

Nag-post si Chan ng video ng grupong Twice na may caption na “The’re One Million and they’re here as your newest GlobalBenchsetters”.

Bago ang Twice marami nang Korean celebrities na naging endorser ng Bench.

Kabilang dito ang Super Junior members na sina Donghae at Siwon, si Lee Min Ho, Ji Chang Wook, Park Seo Joon, at Park Shin Hye.

Read more...