Ayon kay Rino Labay, provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) chief, ipinasa ng resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity sa buong lalawigan.
Ito ay makaraang naunang magdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Boac, Gasan at Torrijos.
Patuloy ang assessment sa lawak ng pinsala ng bagyo sa Marinduque.
Sa naunang report ng DRRMC sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (Mimaropa), nakasaad na mayroong dalawang nasawi sa Marinduque sa pananalasa ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES