Water level ng Angat dam sumampa na sa 195-meter level

Nadagdagan pa sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, Dec. 6 ay 195.02 meters ang antas ng tubig ng dam.

Bagaman ilang araw na ng nadaragdagan ang water level ay malayo pa ito sa 212 meters na normal high water level ng dam.

Ang Ipo dam naman ay bahagya ring nadagdagan ang water level na nasa 101.10 meters at ang La Mesa dam na nasa 77.65 meters.

Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nadagdagan ang antas ng tubig maliban lamang sa Binga dam at Caliraya dam na nabawasan ang water level.

Read more...