2 patay matapos manlaban sa buy-bust sa Bulacan

Police banner
Patay ang dalawang lalaki ikinasang buy-bust ng mga otoridad sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Gaya-Gaya, Huwebes (Dec. 5) ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil Jr. ng San Jose Del Monte police, ang mga nasawi ay sina Jayvee Ancho at kaniyang kasama na si alyas Jun.

Nagawa ng poseur buyer na makabili ng P500 na halaga ng shabu laban sa mga suspek, pero nakatunog ang dalawa kaya nagpaputok sila ng baril.

Agad namang gumanti ang mga otoridad dahilan para masawi ang mga suspek.

Nabatid na si Ancho ay nasa drugs watch list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Read more...