2 scalpers sa SEA Games venue sa Pasig arestado

Timbog ang dalawang scalper sa venue ng 2019 Southeast Asian Games sa Pasig, Huwebes ng hapon.

Sa pulong balitaan sa Manila Police District Headquarters, iniulat ng Sub Task Group ang pagbebenta ng dalawang suspek ng overpriced tickets sa PhilSports Arena.

Ayon sa STG, ang P50 na ticket ay ibinenta ng dalawa ng hanggang sa P400.

“Nagre-resale ng ticket yung supposed to be na P50 na ticket, binebenta nila na 400 pesos,” ayon sa STG.

Hindi naman isiniwalat ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

Sasailalim sa inquest proceedings ngayong Biyernes ang dalawa at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines.

Babala ni MPD spokesperson Lt. Col. Carlo Magno Manuel, hindi kukunsentihin ng pulisya ang scalpers sa kasagsagan ng SEA Games.

 

Read more...