WATCH: Official trailer ng live action version ng Mulan inilabas na ng Disney

Inilabas na ng Walt Disney Studios ang official trailer ng live action version ng pelikulang Mulan.

Ipinakita sa trailer ang pagdedesisyon ni Hua Mulan (Liu Yifei) na lumaban matapos ipag-utos ng Emperor of China na isa sa bawat pamilya ang dapat magsilbi sa Imperial Army.

Napilitan si Mulan na magpanggap na lalaki dahil ang kaniyang ama ay maysakit at hindi na kaya pang lumaban.

Tampok din sa pelikula si Jet Li na gumanap bilang Emperor.

Habang ipinapakita ang pakikipaglaban ni Mulan, madidinig din ang awiting “Reflections” na unang naging tanyag matapos awitin ni Lea Salonga para sa animated version ng pelikula.

Pitong oras matapos pormal na ilabas ang trailer umabot na sa mahigit 1 milyon ang views nito.

Mapapanood ang Mulan sa March 2020.

Read more...